PAG KAKAROON NG LANDFILL SA BAYAN NG BALER, MATUTUGUNAN NA BAGO MATAPOS ANG TAONG 2016



Matutugunan na ang matagal na suliranin ng Bayan ng Baler bago magtapos ang taong 2016 ang matagal na pangarap ng  Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang pag kakaroon ng sariling Landfill sa bayan ng Baler Aurora.

Ayon kay MENRO Officer Ma. Liza Costa na may natatanaw na aniya silang liwanag sa matagal nilang pangarap,Nakumpleto na daw ng kanilang tanggapan  ang labing walong Requirement sa Department of Agrarian Reform, (DAR) upang mag karoon ng sariling basurahan ang Baler.

Matatandaan aniya na nag ikot ang kanilang Tanggpan sa mga brgy sa bayan ng Baler upang alamin ang may pinakamaraming basura na naitatapon sa araw araw, kabilang ang mga malalaki at maliit na negosyo na madalas nag tatapon ng basura.

 Na isa sa kanilang Requirement para sa pag kakaroon ng sariling landfill. 

Hinihintay nalang aniya ang pag papatitulo ng Provincial upang ma i donate  na sa Lokal na pamahalaan ng bayan ng Baler Aurora.
(Spirit FM News)

Comments