PAG SALUBONG NG BAGONG TAON SA BAYAN NG DINALUNGAN MAAYOS NA PINAG DIWANG

Masaganang bagong taon ang pag salubong nang mga mamayan ng bayan ng Dinalungan Aurora,  

Pinaigting din ng Dinalungan PNP sa pangunguna ni PSINS Edgardo Licay-cay  Javar, ang pag babawal na mag tinda ng mga ipinag babawal na paputok sa pag salubong ng bagong taon.

Ayon kay PO3 Romel Manahan na mas bumaba ang bilang ng mga gumamit ng paputok sa pag- salubong ng bagong taon kumpara  sa nakalipas na taon, bukod aniya  naging  mahigpit din ang  kanilang tangapan sa pag-babawal sa  pag titinda at pag gamit ng malalakas na paputok,

Sinabayan din aniya ng panaka nakang buhos ng ulan dahilan sa marami ang hindi nakalabas ng kanilang mga bahay.

Samantala wala ring naitala,  ang kanilang tanggapan na  nag paputok ng baril sa nasabing bayan.


Sa halip aniya  Pinili ng mga kabataan na gumamit ng yero , lata at iba pang nakakalikha ng ingay  upang salubungin ang bagong taon.

(Spirit FM News) 

Comments