PAMAMARAAN NG PNP, SA PAG-SITA SA COMELEC CHECK POINT DAPAT MAGING MAHINAHON

Mahinahon at pagiging mabait naman ang dapat taglayin ng Philippine  National Police sa tuwing mag sasagawaa ng Check point  sa mga Lansangan.

Ayon kay PINSP Zaridel Jastiva na dapat taglayin ng isang pulis ang tamang pamamaraan sa pag sasagawa ng Comelec Check Point.

Sinabi pa ni PINSP Jastiva nasa tamang Bihis ang Pulis, at may palatandaan, dapat ding nakalagay sa paskil ang pangalan ng Election Officer  at Leader ng PNP.  at hindi sinisigawan ang mga motorista. 
Visual Search o pag sisiyasat lang  ang dapat isagawa sa pamamagitan ng tingin lamang.

Kung ito ay papara ng sasakyan, kailangan lang aniya ilawan ang loob ng sasakyan at hindi na pina baba pa ang driver. Kung may nakitang kahina hinala  kilos ng  driver at sasakyan saka  lang  pababain ang driver  at iinspeksyunin ang loob ng sasakayan.  

Payo naman ni PINSP Jastiva sa mga Motorita na kung magagawi sa Check Point bagalan ang sasakyan, Huminto  sa tapat ng Check point at buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan dapat din na maging mahinahon sa pakikipag usap sa kapulisan at saguting ng maayos ang bawat katanungan.


(Spirit FM News)

Comments