PAMILYA NG NALUNOD SA BALER AURORA NAGPASALAMAT SA RESCUE TEAM

Pinasalamatan naman ng pamilyang mga nasawi sa pagkalunod sa Baler Aurora ang mga Rescue team na  walang tigil sa pag hahanap sa kanilang kapatid na  sina Richard Anderson Dela Cruz 28 taong gulang at Ricardo Dela Cruz 37 taong gulang  kapwa residente sa Brgy Campuz  sa bayan Talavera.

Ayon kay Cynisrina Garcia kapatid ng mga biktima na labis ang kanilang pag kalungkot para sa pag salubong ng bagong taon, dahilan sa dalawa sa kanilang pamilya ang nawala ngayong taong 2016,

Pahayag naman nito na sana man lang aniya ay mag lagay ng karatula sa lugar na mahigpit na pinagbabawal  ang pag punta sa lugar, dahilan aniya na marami sa mga turista ang hindi nakakaalam  sa kilos ng dagat  dito sa bayan ng baler.

Ayon naman kay Brgy Capt. Jose Amatorio  na linagyan na nila ng karatula ang mga delikadonmg lugar  sa mga bawal paliguan, nasira lang aniya ito ng hampasin ng malalakas na hangin bunsod ng mga sunod sunod na bagyo na pumasok sa lalawigan ng aurora. agad din naman aniyang papalitan ang mga nasirang karatula sa sa kanilang brgy partikular sa mga palagiang dinadayo ng mga turista sa kanilang nasasakupan,


Payo  naman nito na na maging  maingat anu mang oras upang malayo sa anumang sakuna.

-Spirit FM News

Comments