POLICE SURFER SA BAYAN NG BALER PATULOY SA PAGSASANAY PARA SA SUMVAC 2016



Patuloy sa pagsasanay ang mga miyembro ng kapulisan sa bayan ng Baler para sa SUMVAC o summer is back  2016 ngayong taon.

Ito ay bilang pag hahanda sa bakasyon kaugnay ng inaasahang pag dagsang muli ng mga bisita at turista sa lalawigan.

Dahil dito, mas pinaigting pa ng mga kapulisan partikular ang mga pulis surfer ang pulis surfer force, kung saan layunin nito na pangalagaan ang mga mamamayan pagdating sa paliligo sa mga baybaying dagat kung saan ito sila naka talaga.

Inilaan ang nasabing gawain para bigyan ng proteksiyon ang mga bakasyonista, turista at mga kababayan na mahilig sa beach activity gaya ng picnic, snorkeling, surfing o simpleng paliligo lamang sa mga karagatan.

Sa pamamagitan nito, mababawasan ang ilang insidente ng  pagkalunod bunsod ng hindi pagsunod sa tamang lugar na dapat lamang paliguan, at pag suway sa mga paalala pagdating sa paliligo sa dagat.

Ito ay isa sa mga isinusulong ng Aurora Provincial Public Safety Company. APPSC sa lalawigan.
(Spirit FM News)

Comments