Presyo ng pangunahing petrolyo sa bayan ng Baler, walang pag babago



Walang pag babago at nananatili sa dating presyo ang produktong petrolyo sa bayan ng Baler, sa kabila ng patuloy na pag baba ng presyo ng mga ito  na nagsimula nitong araw ng Lunes.

Wala namang gaanong reaksiyon ang mga motorista, na pangunahing gumagamit ng mga produktong petrolyo, dahil ayon sa kanila, mas makakabuting manatili na lamang sa dating presyo ang mga ito, sa halip na magkaroon ng pag taas.

Samantala kaugnay nito, tuloy  ang pagbaba sa halaga ng langis ngayong linggo kahit may tensyon sa pagitan ng Iran at Saudi na pangunahing pinanggagalingan ng oil products.

Batay sa oil industry source, maaaring umabot sa PUNTO PITUMPUNG SENTIMO ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Nasa PUNTO DALAWAMPUNG SENTIMO  naman ang ibabawas sa presyo ng gasolina, habang PUNTO LIMAMPUNG SENTIMO  ang rollback sa kerosene.

Ang pagbaba ng presyo ay bunga umano ng paggalaw ng halaga nito sa world market.
(Spirit FM News)

Comments