PVO MAG SASAGAWA NG PAG TUTUROK NG BITAMINA PARA SA MGA HAYOP



Nakatakdang magsagawa ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo (PVO) ng pag tuturok ng bitamina at pag bibigay ng purga, para sa mga alagang baka, kalabaw, at kambing sa bawat brgy ng bayan ng Baler.

Layunin nito na mapanatiling malusog ang mga alagang hayop, at matiyak na ligtas ang mga ito sa ano mang uri ng sakit.

Kaalinsabay nito, magsasagawa rin sa bawat brgy ng pag papatala para sa lahat ng mga nag aalaga ng hayop na wala pa sa talaan.

Ito ay magsisimula bukas ika 20 hanggang ika ng 28 ng Enero 2016.

Unang bibisitahin ng grupo ang Brgy Calabuanan, Pingit, Buhangin, Zabali, Reserva, Obligacion at Brgy Suklayin.

Ito ay isa  mga programa ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Baler, sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office.
(Spirit FM News)

Comments