SANDAMAKMAK BASURA, NAITALA NUONG KAPASKUHAN AT PAG SALUBONG NG BAGONG TAON



Sandamakmak na Basura ang nahakot ng mga Kawani ng Municipal Environmental and Natural Resources, sa simula ng Buwa ng Disyembre 2015 at ngayong Pag-pasok ng Bagong Taon,
Ayon kay Municipal Environmental and Natural Resources Offficer Ma. Liza Costa na mas marami ang naging basura kumpara sa mga regural na araw sa nag daang taon, inaasahan naman na aniya ito sa tuwing sasapit ang kapaskuhan  at bagong taon, marami rin ang iniwang basura bunsod ng makaranas ang bayan ng baler ng malawakang pag baha nuong 16 ng Disyembre taong 2015.

Pahirapan din ang pag hahakot ng basura dahilan sa iisang dump truck lang ang nag hahakot sa buong Poblacion Zone ng Baler. 

Marami naman ang mga hindi nag sasaayos ng kanilang mga sariling basura sama sama parin aniya ang mga nabubulok at hindi na bubulok na isa sa mga mahirap na tuparin ng mamayan. 

Panawagan naman nito na palagiang  makiisa para sa kalinisan ng bayan, at palagiaang ihiwalay ang mga nabubulok at hindi na bubulok na basura. Upang mapanatili ang kalinisan at malayo sa anu mang karam daman.

(Spirit FM News)

Comments