SAVE THE CHILDREN NAGKALOOB NG 104,477.00 PONDO PARA SA BAMBOO NURSERY PARA SA DINADIAWAN ELEMENTARY SCHOOL



Pinagkalooban ng Save the Children ng halagang 104 thousand 477 pesos na pondo, ang Dinadiawan Elementary School para sa proyekto nitong School Bamboo Nursery.

Ang nasabing halaga ay inilaan para sa proyektong Save Stabilization of Living Creek and Establishment of School Bamboo Nursery.

Tinatayang nasa apat na raan limampung bamboo seedlings ang naitanim sa gilid ng creek, upang mag silbing pananggalang sa baha.

Katuwang ang PNP, guro, mga brgy officials, at mga mag aaral ng nasabing paaralan, nakapag patayo na rin ng School Bamboo Nursery sa nasabing paaralan.

Sa kabila nito, patuloy naman ang seminar workshop hinggil sa pag tatanim ng bamboo seedlings sa pangunguna ng mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources Office DENR.
(Spirit FM News)

Comments