SEN. SONNY ANGARA, NAGPASALAMAT SA PAG SASABATAS NG PESO LAWS



Nagpasalamat si Sen. Sonny Angara dahil naisabatas na ang PESO Laws.

Ito ay naglalayong  burahin o bawasan ang antas ng walang hanap buhay o un employment rate sa bansa, at matulungan pa ang mas nakakaraming Pilipino.

Dahil dito, mas pinaigting ng bagong batas ang pamamahagi ng impormasyon hinggil sa labor market kasama na ang pag papabilis sa mga nais mag apply ng trabaho.

Mas mapapadali din ang proseso ng mga aplikante sa pag kuha ng mga trabaho o ano mang posisyon na nais aplayan  ng mga ito.

Ikinagalak ng senador ang pagsasabatas ng Public Employment Service Office Act  matapos itong lagdaan ni pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Si Angara ang tumatayong Acting Chairman on Senate Labor Committee na siya ring sponsor at awtor ng nasabing batas.
(Spirit FM News)

Comments