UNITY WALK PARA SA PEACE COVENANT SIGNING ISASAGAWA NGAYONG IKA 28 NG ENERO 2016



Nakatakdang magsagawa ng Unity walk ngayong darating na ika 28 ng Enero 2016 araw ng Huwebes na pangungunahan ng San Luis PNP, patungo sa Aurora Provincial Capitol Brgy Suklayin Baler.

Ito ay upang bigyang daan ang pag sasagawa ng Peace Covenant Signing, na isasagawa sa Pamahalaang Panlalawigan ng mga kandidato, para sa halalan ngayong Mayo A nueve.

Bago nito, nagsagawa ng dialogue ang kapulisan nitong araw ng Biyernes sa pangunguna ni Police Inspector Floriano B .Garcia-acting chief of police ng Sn Luis PNP, maging ang mga kinatawan mula sa Aurora Provincial  Public Safety Company-Camp Ravena Brgy Sabang kay  Reverend Father Israel Gabriel, ang Parish Priest ng Sn Luis na hari at tumatayong chairman ng Parish Council for Responsible Voting o PPCRV.

Layon ng nasabing gawain ang pag kakaisa para sa maayos at mapayapang halalan sa pag tutulungan ng bawat ahensiya sa lalawigan.

Samantala, ang peace covenant ay isinasagawa sa layuning maipakita sa mga mamamayan at kandidato na ang kapulisan ay handang tumulong o gawin ang kanilang tungkulin para mapanatiling mapayapa, ligtas, at patas na eleksyon.

(Spirit FM News)

Comments