VAWC, MULING TINALAKAY NG MGA TAUHAN NG SN LUIS PNP KAHAPON

Muling nagsagawa ng pamamahagi ng IEC materials kahapon, kasama na ang pag sasagawa ng lecture  hinggil sa Republic Act 9262, o mas kilala bilang  Violence Against Women nand Children VAWC ang mga tauhan ng Sn Luis PNP sa pamumuno ni Police Inspector Floriano B. Garcia-acting chief of police.

Sa nasabing gawain, pinangunahan ni Police Officer 3 Lizza J. Macatiag ang pag sasagawa nito upang maiparating ng wasto, sapat at tamang impormasyon ang hinggil sa nilalaman ng batas, partikular sa sekswal na pang aabuso, pananakit, at iba pang pag labag sa mga karapatan ng kababaihan at menor de edad.

Ito ay ibinahagi sa mga miyembro ng SEA-K at 4P’s ng nasabing bayan, na isinagawa sa harap mismo ng Sn Luis Municipal Hall.

(Spirit FM News)

Comments