VICE MAYOR ARIEL BITONG NAKATAKDANG MAGSAGAWA NG MEDICAL AND DENTAL MISSION

Nakatakdang magsagawa ng medical and dental mission ngayong darating na ika 18 ng Enero 2016 araw ng Lunes na isasagawa sa bayan ng Ma. Aurora.
Personal itong pangungunahan ng bise alkalde, na  isinasabay mismo sa kaarawan nito  taon-taon.

Ayon kay vice mayor Ariel Bitong sa panayam kahapon, ang gawain ay isa lamang sa mga libreng handog para sa lahat, kasama na ang pag sasagawa ng libreng kasalang bayan para sa mga nag nanais magpakasal ng libre.

Pangungunahan ng mga local doctors ang nasabing aktibidad, na maaaring magpa konsulta at magpagamot ng libre ang mga matanda at bata.

Sa ngayon anya, pinag iisipan pa kung saan ito maaaring ganapin, ngunit ngayon pa lamang ay nag bibigay anyaya na ito para sa lahat ng kanyang mga kababayan.

(Spirit FM News)

Comments