Medical Mission at grand Pulongpulongisinasagawasabayan ng Casiguran Aurora

Masayang tinangap ng mamayan ng Casiguran Aurora ang mga kasundaluhan ng 56th Infantry “tatag” battalaion na naka base sa Brgy. Calabuanan Baler Aurora, sa isinasagawang Grand PulongPulong at Medical and Dental Mission sa Brgy Coso ng naturang bayan Sa pangunguna ng Battalion Commander Lt Col Louie Villanueva ng 56thIfantry “tatag” Battalion.

Layunin ng naturang Aktibidad na mailapit sa mamayan ang tulong ng kasundaluhan tulad ng  pangkalusugan.

Pinulong din ng mga kasundaluhan ang mga brgy official ng naturang bayan upang alamin at kamustahin ang kalalagayan para sa pagpapatupad ng peace and Order sakanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Spiritfm News kay 56th Infantry “tatag” Battalion, Battalion Commander Louie Villanueva, mahalagang maipakita sa mga mamamayan ng lalawigan ng aurora ang magandang pakikitungo ng kasundaluhan sa mga sibilyan particular sa mga kabataan. 

News Writer: Norman Joe Taruc
Date: 09-29-2016
Time Published: 2:57:56

Comments