ACTING PROVINCIAL DIRECTOR SORIANO AT KANYANG PAMILYA, NAMAHAGI NG TRIBIKE AT MGA WHEELCHAIR

Dipaculao,aurora - Nagpakita ng malasakit at pagmamahal sa mga taga aurora si Acting Provincial Director Engelbert Soriano ng Aurora Police  Provincial Office.

Ito ay sa pamamagitan ng pamamahagi ng Tribike at pitong pirasong Bagong wheelchair sa mga PWD sa bayan ng dipaculao aurora.

Sa panayam ng CMN News kay Acting Provincial Director Soriano na dalawang beses ito isinasagawa sa loob ng isang taon tuwing buwan ng oktubre kasabay ng  kaarawan ng kanyang may bahay  at buwan ng disyembere kasabay naman ng araw ng kapaskuhan.

Ayon pa sa opisyal na mahigit 9 na taon na nila itong ginagawa na itinuturing na nilang libangan kasama ang kanyang mga anak at may bahay na si Ginang Grace Soriano.

Nagsasagawa din sila ng mga Outreach program gaya ng gift giving activity sa mga batang paslit upang mapaligaya sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga regalo.

Nabatid ng CMN News na ang misis pala ng Acting Provincial Director ay taga aurora na residente ng  bayan ng dipaculao.

Kaya naman lubos ang pasasalamat nito sa PNP higher headquarters dahil napagbigyan ito na makapaglingkod sa mga mamamayan ng aurora bilang Acting Provincial Director.

END

George Balbero

Comments