DALAWANG MOTORIDER, SUGATAN SA AKSIDENTE SA BAYAN NG DINALUNGAN



Sugatan ang dalawang motorrider matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa bayan ng dinalungan aurora.
Ang mga biktima ay sina Ronan Alipio na taga Casiguran at Jhuncent Gutierrez na residente naman ng bayan ng dinalungan at isang rescue personel ng dinalungan MDRRMO.
Ayon kay Cyrus Aian Bote ,Public Impormation Officer ng Dinalungan MDRRMO na naganap ang aksidente dakong alas 3:10 ng hapon kahapon sa lansangang sakop ng barangay nipoo sa lugar.
Pauwi umano ng bayan ng Dinalungan ang kanilang kasamahan na si gutierez habang papunta ng bayan ng Casiguran itong si Alipio lulan ng kanilang mga gamit na motorsiklo ng aksidenteng nagsalpukan.
Mabilis namang rumispunde ang mga tauhan ng MDRRMO na pinangunahan ng kanilang hepe na si Merwina Pableo at agad naidala sa pagamutan ang mga biktima na Agad din na binigyan ng paunang lunas.
Base naman sa Rural Health Unit sa lugar na kelangan maidala sa hospital ang rescuer na si gutierez upang masiguro ang kaligtasan nito dahil sa pagdurugo sa kanyang tainga.
Samantala ay sinundo naman si Alipio ng kanyang pamilya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
End
George T. Balbero - Aurora Province
09070167902

Comments