Ilang residente, Abala na sa paglilinis sa mga nitso sa maria aurora aurora

Abala na sa paghahanda ang ilang residente para sa mga nitso at puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa maria aurora public cemetery ay may mga nagpipintura na at naglilinis ng lapida doon.

Mayroon ding mga nagtatangal ng damo dahil sa sobrang sukal at nagmimistulan na ngang gubat.

Hindi rin alintana ng mga naglilinis ang matinding sikat ng araw at kanya kanyang diskarte para ito ay malabanan.

Mabuti raw habang maaga pa lamang ay makapaglinis na para makaiwas sa dagsa ng mga tao.

Giit ng mga residente na bagaman may supulturero ay walang utility kung kayat halos matabunan na ng damo ang maraming puntod sa lugar.

END

George Balbero

Comments