LEGALIDAD SA PAGMAMAY ARI NG LUPANG TINITIRIKAN NG BAWAT MAMAMAYANG DINGALEÑO, UNTI UNTI NANG NAISASAAYOS




Unti-unti nang naisasaayos sa tulong ng pamahalaang lokal ng Dingalan,Aurora ang mga dokumento sa lupain ng bawat naninirahan sa mga Core Housing, ganun din ang sa Gawad kalinga ng nasabing bayan.

Layunin ng pamahalaang bayan na magkaroon ng legal na pagmamay ari ang lupang tinitirikan ng tahanan ng bawat mamamayang Dingaleño.

Samantala pinapayuhan naman ni Dingalan Mayor Shierwin Taay ang mga kababayang may katanungan hinggil sa pagpoproseso sa pagsasaayos ng legalidad ng kanilang lupa na magtungo lamang sa tanggapan ng Municipal Assessors Office, upang maiwasan ang Identity theft ng bawat titulo sa lugar.

END

Ferdinand Pascual

Comments