MAMAMAYAN NG DINGALAN NA KABILANG SA TUPAD NG DOLE, UMABOT SA 340












Umabot sa 340 mamamayan sa bayan ng Dingalan, Aurora ngayong taon (2019) ang naging bahagi ng Programang TUPAD mula sa Depatment Of Labor and Employment (DOLE).

Ibinahagi na nitong Miyerkules (October 16, 2019) ang mga kagamitan sa pangkabuhayan ng bawat benipisyaryo ng nasabing programa na kabilang sa matatawag na Disadvantage / Displace Workers.

Sa ilalim ng nasabing programa ay iba't ibang trabaho ang nag aabang sa bawat kabilang sa TUPAD, gaya ng Carpentry,  Street Sweeper,  Maintenance,  maglilinis ng mga kanal,  kalsada at iba pa sa loob lamang ng sampung (10) araw.

Samantala nagpapasalamat naman ang bawat mamamayang nakasama sa nasabing programa dahil batid nila na maiksing panahon lamang ang ibinigay na trabaho ng pamahalaan ay malaking tulong naman daw ito sa kanilang kabuhayan, lalo't ang mga ito ay masasabing nasa hanay ng mahihirap na pamilya sa naturang bayan.

-End

Ferdinand Pascual

Comments