PROGRAMANG PANGKALUSUGAN NG DOH PARA SA BAWAT PASLIT NA DINGALEÑO, SINIMULAN NA


Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Dingalan,Aurora ang pamamahagi ng libreng hygiene kit sa mga Daycare Children sa kanilang nasasakupan, mula sa Kagawaran ng Kalusugan.

Kasabay ng sinimulang pamimigay ng toothbrush,  toothpaste, cup at toiletries sa mga paslit na inisyatibo ng Municipal Health Office (MHO) sa nasabing bayan ay ang patuloy na paalala at pagtuturo ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at Department of Health o DOH sa bawat daycare children ang wastong paghuhugas,  paglilinis ng kamay at pagsisipilyo.

Samantala, simula pa lamang umano ito ng nasabing programa sa bayan ng Dingalan at inaasahan na kasunod ng bibisitahin ng mga kawani ng gobyerno na mula sa nasabing sangay ng pamahalaan ang bawat Daycare center at target ng grupo na ang lahat ng Daycare Childen sa lugar ay maging benipisyaryo ng naturang programa.


-END
Ferdinand Pascual

Comments