UNCONDITIONAL CASH TRANSPER PARA POOREST OF THE POOR SA BAYAN NG DINGALAN NA HINDI BENIPISYARYO NG 4P'S, BIBIGYAN NG AYUDA NG PAMAHALAAN




Magsisimula na muli sa bayan ng Dingalan,Aurora ngayong darating na Nobyembre ang balidasyon sa LISTAHANAN na isa sa mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office ng Region 3.

Ang listahanan na programa ng National Government ang nagbibigay ng Unconditional Cash Transper o UCT sa bawat mamamayang nakabilang sa pinaka mahihirap na pamilya ating lipunan na hindi nabebenipisyuhan sa ilalim ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4p's.
Samantala nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Dingalan Mayor Shierwin Taay sa bawat mamanayan doon na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon kung mayroong hindi magsasabi ng totoong estado ng kanilang pamumuhay sa oras na mag umpisang maglunsad ng survey ang mga kinatawan mula sa DSWD Region 3.

Comments