April 10, 2013



APRIL 10, 2013 – Kaso laban sa ilang Kandidato ng Lapian ng Dimokratikong Pilipino o LDP sa Bayan ng Dingalan, hinahanda na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV Dingalan, Aurora.
Sa impormasyong nakalap ng CMN News, maghahain ang PPCRV ng kaso laban sa ilang Kandidato ng LDP sa Dingalan dahil sa umanoy nilalabag nito ang Republic Act 9006 o kilala bilang Fair Election Act.
Ginagamit umano ng partidong LDP sa pangangapanya ang mga Sasakyan ng Pamahalaan, hindi rin umano sila sumusunod sa mga patakaran sa paggamit ng Campaign poster.
Inaasahang ngayong araw maihahain sa Comelec ng Dingalan, Provincial Comelec Office ng Aurora, at sa National ang reklamo.
Sakali umanong mapatunayang lumabag ang mga ito, maaaring maharap ang mga ito sa election offense.
---------------------

Comments