APRIL 16, 2013 – Umabot sa bilang na 387 ang mga negosyateng nagpatala ng Business Name sa Department of Trade in Industry (DTI) sa unang quarter ng taong 2013. Ayon sa DTI-Aurora ang naitalang bilang ay nangangahulugan ng bahagyang pagtaas o katubas ang 7.2 percent increase, kumpara sa bilang ng nagpatala sa unang quarter ng nakaraang taon na 361 Business Name Resistant. Ang 387 bilang ng mga mamumuhunan na nagpatala ng kanilang Business Name ay may katumbas na halagang puhunan na umabot sa P22,900,000.00 at employment opportunities na 450. Ayon pa sa DTI ang mga uri ng negosyo na ipinapatala may kinalaman sa trading operation ng agri-based at manufactured products , ang iba naman ay hinggil sa manufacturing o processing activities at services operation. Ang pagpapatala ng business name sa DTI ay isa sa mahahalagang hakbang upang ang isang single proprietorship enterprises ay magkapagsimula ng negosyo. Ang pagpapatala ay saklaw ng RA 3883 o business name law, Layunin ng batas na mapangalagaan ang publiko sa pakikipag transaksyon sa iang establisyimento, nakapaloob sa nasabing batas na obligadong ihayag ng negosyante sa DTI ang kanyang tunay na pangalan at ang iba pang tao na may koneksyon sa negosyo. Bukod sa pagkakataon ng legal identity ang isa sa mahahalagang bentahe ng pagrerehistro ng Business Name ay ang pagkakaroon ng prebilehiyong mapabilang sa mga priority Small and Medium Enterprises (SMES) na tinutulungan ng DTI sa larangan ng pagsasanay o Business Consultancy and Business Referral Assistance, Technical at Marketing Assistance. Simple lang ang proseso at requirement sa pagpapatala ng Business name sa DTI. Magdala ng photocopy ng kahit anong government-issued valid ID. Magsadya sa DTI at mag-fill up ng application form. Ang registration fee ay mula P215 hanggang P1,015 depende sa scope ng negosyo. Karaniwang napo-proseso ang Business Name application sa loob lamang ng 30 minuto kung kaya’t pwedeng mahintay ng aplikante, ang resulta ng registration. Ang validity ng business name High Registration ay limang taon. Ang tanggapan ng DTI ay matatagpuan sa National Highway, Barangay Suklayin Baler, Aurora.

Comments