ATLETA SA CLARAA, GOLD MEDAL NASUNGKIT NG AURORA

Nasungkit ang gold medal ng isang manlalarong atleta mula sa paarala ng Baler National High School na isa sa mga kasama sa 12 pang atleta ng lalawigan ng Aurora sa Palarong Pambansa, Central Luzon Regional Athletic Association o CLARAA sa Mariano Mercedez Sports Complex Dumaguete, City.

Nagtala ng bagong National record salarong javelin throw ng ihagis nito ang sibat ng may layong 57.81 metro sa dating 51.51 metro.

Kinilala ang atletang si Bryan Pacheco sa kanyang tagumpay at ipinagmamalaki ng lalawigan. 

Maliban pa dito lumaro din si Pacheco ng Shot put sa anim na kilong bigat ng bola at may layong 13.37 metro at nakuha nito ang pangalawang pwesto.

 Patuloy na ginaganap ang taunang Palarong Pambansa upang makatuklas ng bagong atleta na maaring maging kinatawan ng bansa sa mga International competition.

Comments