BALER MAKAKARANAS NG POWER INTERRUPTION

Nagtakda ang National Grid Corporation of the Philippines ng Power Interruption sa darating na araw ng Biyernes, Abril 26, 2013 simula alas 8:00 hanggang 10:00 ng umagat at alas  4:00 hanggang  5:00 ng hapon sa bahagi ng NEECO II Area 1, SAJELCO, CLSU and LGU-PAMES; at sa bahagi ng NEECO II Area 2, (Natividad at Bongabon Substations) at  AURELCO (San Luis Substation).

Ang dahilan ng Power Interruption, Line repair of selected line structure hardwares along Cabanatuan-Talavera 69kV line 2.

Pinapayuhan ng NGCP ang publiko na maghanda sa darating na power interruption para maiwasan ang anomang insidente. Anomang oras maaaring maibalik ang kuryente matapos ang pagsasaayos.

Comments