Nakatakdang
magsagawa ng Caravan ngayong araw (Mayo 1) sa central Aurora ang mga progrisibong
Party-list kasabay ng paggunita sa araw
ng paggawa.
Kasabay nito masasagawa ng programa para
gunitain ang Pandaigdigang araw ng Paggawa (Labor Day) sa Bayan ng Dipaculao,
Aurora sa pangunguna ng Multi-Sectoral Action Group at Bikaryato ng
Valley-Ding.
Ganap na ika-8 ng umaga mamaya magsisimula ang
naturang programa sa Municipal compound ng Dipaculao, uumpisahan ito ng isang
Banal na Misa, kasunod ang mga pananalita ng kaugnay sa kalagayan ng mga
manggagawa.
Inaasahan ding magbibigay ng pahayag ang
Department of Labor and Employment (DOLE) ng lalawigan ng Aurora.
Ang gawaing ito ay naglalayong maipaunawa sa
mga mamamayan ang kalalagayan ng mga manggagawa gayundin ang mga karapatan at
benipisyong nauukol sa kanila.
Comments
Post a Comment