LALAKI MUNTIK NANG BAWIAN NG BUHAY - Dilasag, Aurora

Nahimatay at muntik nang bawian ng buhay ang isang lalaki matapos sumemplang at magpagulong gulong ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Dikabasan Road, Barangay Masagana, Dilasag, Aurora.

Ang biktima ay kinilala na si Jun-Jun Garaid, residente ng Baranagay Pudso sa nasabing Bayan.

Mahigit tatlong beses umano gumulong ang minamanehong motorsiklo ng biktima habang binabagtas nito ang nasabing lansangan nang siya ay papauwi na mula sa kanyang pinagtatrabahuhan doon din sa naturang bayan.

Agad na idinala ang bitima sa Aurora Memorial Hospital para lapatan ng karampatang lunas.

Comments