Ligtas na ang batang tinamaan ng bato sa ulo



APRIL 12, 2013 – Ligtas na ang isang sampung (10) taong gulang na bata matapos itong tamaan ng bato sa ulo habang ito ay naliligo at naglalaro sa Mather Falls, sa Barangay Ditumabo , San Luis, Aurora noong ika-9 ng Abril 2013.

Nailabas na kahapon sa Aurora Memorial Hospital ang Biktima na umabot ng halos 3 araw sa pagamutan matapos itong magtamo ng mahigit anim na sugat sa ulo, sanhi ng batong tumama sa dito dahil sa umanoy hindi alam ng biktima na mayroong mga bahagi na nahuhulog ang bato dahil sa kawalan umano ng karatula  o paalala na ang lugar ay mapanganib.

Sa panahon ng tag-init lalo na ngayong bakasyon umaabot sa 100 katao kasama na ang mga dayuhan namamasyal sa Mather Falls araw-araw.

Pinapaalalahanan naman ang publiko na mag-ingat sa mga ganitong pasyalan upang hindi na maulit pa ang insidente.
-------------------------

Comments