PASAWAY NA KANDIDATO - Dingalan, Aurora

Babaklasin ng PNP at Comelec ang mga over size campaign materials ng mga kandidato, ganoon din ang mga nakalagay sa mga lugar na ipinagbabawal.

Sa pag-iikot ng PNP at comelec Dingalan kahapon (Abril 23) apat na kandidato sa pagka-konsehal ng Bayan sa Dingalan, Aurora  ang padadalhan ng comelec ng notes dahil sa umanoy mga over size nitong mga tarpaulin, at pagkakabit ng campaign poster sa poste ng koryente, mayroon ding ilang pampublikong sasakyan o tricycle ang may nakakabit na tarpaulin ng kandidao.

Tiniyak ni Dingalan Election Officer Eric Avellaneda, na paiigtingin ng comelec ang pagpapatupad sa Republic Act 9006 o maskilala bilang Fair Election Act, at ang Comelec Resolution No. 9615 o regulasyon sa pangangampanya.

Maaari umanong patawan ng election offence ang kandidatong susuway sa alituntunin ng comelec.

Comments