APRIL
11, 2013 – Patay ang isang lalaki matapos itong mabundol ng Tricycle sa
Barangay Gupa, Dipaculao, Aurora noong Abril 8, 2013.
Ang
biktima ay nakilalang si Jhonny Pacis y Tabutol, 57 taong gulang, at residente
ng Barangay Gupa, Dipaculao, Aurora.
Ang
suspek naman ay kinilalang si Danilo Agustin Sr., 50 taong gulang, residente ng
Barangay Puangi, Dipaculao, Aurora.
Ayon
sa imbistigasyon ng Dipaculao PNP sa pangunguna ni SPO1 Hubert A. Aburdo, bumili sa kabilang kalsada ang
biktima, nang bigla itong mabundol ng isang walang ilaw na Tricycle Maton 150,
kulay itim at may plakang 9010 QC.
Agad
namang naisugod sa Aurora Memorial
hospital ang dalawa para sa kanilang agarang lunas. Subalit dakong alas 11:46
ng gabi noong ding araw ay binawian ng buhay si Pacis.
Ayon
kay Dr. Rodulfo V. Eligio, INTRA CRANIAL HEMORRAGE ,HEAD TRAUMA ang dahilan ng
pagkamatay ng biktima bunga ng pagka bagok ng ulo nito.
Napag-alaman
na ang suspek ay nasa impluwensyan alak ng
maganap ang insidente at wala din itong lisensya.
Ang
suspek ay nasa kostudiya na ng Dipaculao PNP at ang gamit nitong tricycle. At kasalukuyan pa itong
iniimbestigahan.
--------------------------
Comments
Post a Comment