PPCRV-Namfrel HANDA NA SA ELECTION - Baler, Aurora

Handa na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at National Movement for Free Election, Baler, Aurora para sa darating na midterm election sa Mayo 13, 2013.

Ito ay matapos sumailalim sa PPCRV-NAMFREL Orientations  ang mahigit 70 boluntaryong poll watcher  at mahigit 100 PPCRV-Namfrel boluntaryo ang itatalaga sa 7 polling Center na may  kabuuang 21,474 ang bilang ng Botante sa 13 Barangay sa Bayan ng Baler.

Nakaatang ang kaayusan at mapayapang halalan sa PPCRV-Namfrel ang siyang tinalaga bilang Citizen’s Arm ng Comelec, sila ang magmamasid, magtatala at magrereport  sa Chairman ng election sa lahat ng hindi magandang pangyayari sa loob ng presinto.

Tiniyak ni Michael Peneda, Acting Election Officer ng Comelec Baler, na tiniyak ng kagawaran ng comelec, na walang magiging problema sakaling magkaroon ng aberya sa supply ng kuryente sa panahon ng election dahil mayroong mga naka standby battery ang PCOS machine.

Dagdag pa ni Peneda, pauunahing bomoto ang lahat ng maykapansanan, buntis at matatanda, magsisimula ang pagboto sa Mayo 13 ganap na na ikapito ng umaga at magsasara ito alas 7:00 ng gabi.

Nagsalita din ang Provincial Chairman ng PPCRV-Namfrel sa Aurora na si Rev. Fr. Israelito Gabriel, na dapat umanong makiisa at makisangkot para makamit ang malinis at patas na halalan.

Dagdag pa nito ang pagpili ng tamang kandidatong iboboto ay dapat na maka-Diyos, makatao, at may pagpapahalaga sa buhay hindi ang mga kandidatong nagsusulong ng “DEATH’ o Divorce, Euthanasia, Total Birth Control at Homosexual Relation, lalo na ang Political Dynasty.

Comments