Presyo ng produktong Petrolyo sa Lalawigan ng Aurora

APRIL 11, 2013 – Nag-anunsyo na ang ilang kumpanya ng produktong petrolyo sa gitnang Aurora na anumang araw at oras ay magbabago ang presyo ng kanilang produktong petrolyo sa kabila ng nagbaba na kamakailan ang presyo sa pambansang pamilihan.

Sa kasalukuyang umiiral na presyo ng Diesel, 49.75 pesos kada litro sa Shell, Caltex at Petron, 49.48 pesos naman sa Eco-Petrol, at 49.05 pesos sa Sea Oil ang kada litro.

58.79 pesosn kada litro ang presyo ng Unleaded gasoline sa Petron, 57.39 pesos sa Caltex at Shell, 56.84 pesos naman sa Sea Oil, at 56.83 pesos kada litro sa Eco-Petrol.

Sa Premium gasoline, 58.79 pesos kada litro sa Shell at Caltex, 58.24 pesos naman sa Sea Oil, at 58.28 pesos sa Eco-Petrol.

Ang presyo naman ng Regular gasoline, 54.23 pesos kada litro sa Petron, habang 53.23 naman sa Eco-Petrol at Sea Oil.

Ang Kerosene, 51.13 pesos kada litro sa Seal Oil, at 51.12 pesos naman sa Eco-Petrol. 

Asahang ano mang araw mula ngayon ay gagalaw ang presyo ng produktong petrolyo sa mga pangunahing pamilihan.

Comments