"1st SLOP MSK GENERAL ASSEMBLY, INILUNSAD NA"
Naghahanda na ang Parokya ni San Luis Obispo, Baler, Aurora para sa
gaganaping “1st SLOP MSK General Assembly” sa darating na buwan ng
Augusto 2013.
Ito ang inilunsad kahapon ng mga Munting
Sambayanang Kristiyano ng Baler, kasama sa paghahanda ang mga mission
partner ng Prelatura ng Infanta partikular sa Bayan ng Baler katulad ng
Bataris Formation Center, Multi-Sectoral Action Group of Aurora (MSAG),
KALINGA/AKAP, Justice and Peace Action Group of Aurora (JPAG), Mount
Carmel College at iba pang mga samahan at institution na nakapaloob sa
Simbahan.
Layunin nitong sama-samang pasiglahin pa, buhayin ang
mithiin nitong pagpapasigla sa Simbahan na pinag-aapoy sa buhay ng mga
Munting Sambayanang Kristiyano.
Ang ganitong gawain ay para sa
aktibong makilahok ang mga MSK na nagtatanggol sa mga karapatang ng mga
dukha; nagpapahalaga sa katotohanan; nagpapanatili sa kaayusan at
kagandahan ng Inang Kalikasan; nagpapahayag ng tamang pagpili ng
Kandidato; at MSK na may kakayahang mamuno, hindi sangkot sa kurapsyon
at may buhay na moral.
Kasabay nito, sa pangunguna ni Rev. Fr.
Nilvon Co Villanueva sama –samang ipinagdasal ang mga lider na
mangunguna sa gawain, hinihiling na gabayan ang kanilang kilos na naayon
sa kalooban ng Diyos para sa pamilya, MSK, Lipunan at Kalikasan upang
lalo pang mapatatag ang pagmamahal sa Diyos gayon din ang aktibong
makisangkot ang Sambayanan.
Comments
Post a Comment