DALAGITA SUPORTER NG TUMAKBONG MAYOR ILILIBING NA - Dilasag, Aurora
Dead
On Arrival ang isang dalagitang tagasuporta ng tumakbong Mayor sa Bayan
ng Dilasag, Aurora matapos itong kumalso sa gulong ng Elf noong
magsagawa ng motorcade sa naturang Bayan bago ang election.
Kinilala ang biktima na si Jingky Dizo, 17 taong gulang, residente ng Sitio Arco, Barangay Dicabasn, Dilasag, Aurora.
Ang biktima ay nagtamo ng malubhang pinsala sa baywang na nagging sanhi
ng pagputok ng kanyang Pantog, na ito umano ang nagging dahilan ng
pagkamatay ng biktima.
Lubha ang nararamdamang kalungkutan at
pagdadalamhati ng pamilya at mga kamag-anak ng biktima dahil sa murang
idad nito, ito ay pumanaw na.
Nakaburol ngayon ang bangkay ng biktimang si Jingky sa kanilang tahanan sa Sitio Arco, Brgy. Dicabasan, Dilasag, Aurora.
Ililibing ang biktima sa darating na Linggo ika-19 ng Mayo 2013.
Lubos naman ang pasasalamat ng ama ng biktima na si Sozimo Dizo sa lahat ng tumolong sa kanila.
Comments
Post a Comment