ISANG PULIS SUMALPOK SA PAMPASAHERONG BUS, SUGATAN - Baler, Aurora

Sugatan ang isang Pulis matapos itong sumalpok sa isang pampasaherong Bus kahapon ng madaling araw sa Quezon High way, Barangay Suklayin, Baler, Aurora.
Binabagtas umano ni PO1 Mark Einnor Lubong Querijero, 23 taong gulang, sakay ng kanyang Suzuki Motorsiklo, ang kahabaan ng naturang lansangan mula sa kabayanan ng Baler nang bigla itong sumalpok sa Lizardo Bus na minamaneho ni Romy E. Bungalon, 33 taong gulang, na nagmula naman sa Bayan ng San Luis, Aurora.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima at gasgas sa iba’t ibang bahagi nang kanyang katawan. Agad namang idinala ang biktima sa Premiere General Hospital sa Baragay Suklayin, Baler, Aurora.

Ang Lizardo Bus at Motorsiklo na parehong minamaneho nina Bungalon at PO1 Querijero ay kasalukuyan nang naka impound sa Himpilan ng Baler PNP.

Comments