KALINGA/AKAP NANAWAGAN SA MGA PAGAWAAN NG COMPUTER - Baler Aurora
Nanawagan ang tanggapan ng KALINGA/AKAP sa lahat, at sa lahat ng mga
gumagaw ng Computer at sa mga computer shop na sakaling may magbenta ng
Laptop, Acer ang tatak, at kulay asul, ganoon din ng Digital camera
maaari nyo ipagbigay alam sa kanilang tanggapan sa Sitio Kinalapan,
Barangay Pingit, Baler, Aurora.
Matatandaang nilooban at pinagnakawan ang tanggapan ng KALINGA/AKAP noong nakaraang araw ng Linggo.
Natangay ng hindi nakilalang magnanakaw ang isang unit ng Laptop na
nagkakahalaga ng mahigit 24,000, isang unit ng Digital Camera na
nagkakahalaga ng mahigit 25,000, isang unit ng Nokia Cell Phone na
nagkakahalaga naman ng mahigit 3,000, at 200 cash.
Sa pagitan
ng alas dos at alas singko ng madaling araw umataki ang magnanakaw
habang natutulog ang bantay ng nasabing tanggapan kaya hindi niya ito
namalayan.
Dumaan umano ang kawatan sa butas ng wall na pinaglalagyan ng air conditioner.
Comments
Post a Comment