Nilooban
at pinagnakawan ang tanggapa ng KALINGA
sa Sitio Kinalapan, Barangay Pingit, Baler, Aurora kamakailan.
Natangay
ng hindi nakilalang magnanakaw ang isang unit ng Laptop na nagkakahalaga ng
mahigit 24,000, isang unit ng Digital Camera na nagkakahalaga ng mahigit
25,000, isang unit ng Nokia Cell Phone na nagkakahalaga naman ng mahigit 3,000,
at 200 cash.
Sa
pagitan ng alas dos at alas singko ng madaling araw umataki ang magnanakaw
habang natutulog ang bantay ng nasabing tanggapan kaya hindi niya ito namalayan.
Dumaan umano ang
kawatan sa butas ng wall na pinaglalagyan ng air conditioner.
Comments
Post a Comment