LINIS BAYANIHAN, 307 CDC ARESCOM-Aurora, 48IB AT PNP

Nagsagawa ng “linis bayanihan” ang labing dalawang Enlisted Reservist ng 307 CDC ARESCOM-Aurora noong Linggo May 26, 2013 na pinangunahan ni Cpl. Francis Isidro at 13 personnel ng 48 Infantry ‘Guardians’ Battalion sa pangunguna ni Msg. Usudan Benasing Sgt. Major ng 48IB, kabilang din sa nakiisa sa naturang aktibidad ang ilang Kagawad ng Philippine National Police.

Isinagawa ng kasundaluhan at PNP ang sabay-sabay na paglilinis hindi lamang sa lalawigan ng Aurora kundi maging sa buong Bansa.

Ang naturang aktibidad ay may kaugnayan sa programa ng Armed Forces of the Philippines na IPSP Bayanihan at ARESCOM Green Revolution Initiative o AGRI II Bayanihan ng Kalinisan.
Ito ay may kaugnayan parin sa programa ng Office of the Civil Defense, at Department of National Defense  hinggil sa pagsuporta sa isa sa pangunahing adbokasiya ng AFP hinggil sa preserbasyon at pagprotekta sa kalikasan.

Isinagawa ang linis bayanihan sa Aurora partikular sa pamilihang Bayan ng Baler, Aurora.

Layunin din umano ng aktibidad/programa na maipakita ng bawat individual na membro ng Kasundaluhan, Laang Kawal, at ROTC Cadet’s ang pakikipagkaisa sa programang pang kaunlaran ng Nasyunal na Pamahalaan. (Rey S. Fernando)

Comments