PAGGAMIT NG PLASTIC BAG HINDI PARIN MAIWASAN - Aurora

Basurang Plastic ang isa sa nagiging sanhi ng pagbaha sa ilang Bayan sa lalawigan ng Aurora.

Hindi parin nababawasan ang paggamit ng plastic bag sa kabila ng may ipinaiiral na Pamprobinsyang Ordinansa bilang 2012-09 o Panlalawigang Kautusan na nagbabawal sa paggamit ng non-bio degradable plastic bag, styrofoam at mga kauri nito bilang packaging material.

Ilang buwan na ring ipinapairal ang Ordinansang ito sa lalawigan at nagtakda na rin ng mga kaparusahan sa mga lalabag dito. Ito ay may pagmulta ng 1,000 hanggang 5,000 piso at pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon o dipende sa paglabag na nagawa.

Maganda umano ang Ordinansa kung ito ay maipapatupad ng maayos sa mga Munisipalidad at mga Barangay.

Ang Ordinansa ay may layuning protektahan ang kalusugan, kapaligiran at kapakanan ng nakararami para maiwasan ang climate change na sa buong bansa maging sa lalawigan ng Aurora.

Comments