Nagkaisa ang mga organisadong sektor,
institusyon at mga taong-Simbahan sa lalawigan ng Aurora, kasama ang
tagapamahala ng Prelatura ng Infanta Rev. Fr. Mario Establecida, nagkatipon
mula noong ika-21 hanggang 23 ng Mayo 2013 sa parokya ni San Jose Manggagawa,
Dilasag, Aurora para sa taung pagtatagpo ng Daupang Palad ng Taong mga Sektor
at Taong Simbahan o DPSTS.
Ayon sa grupo, ang bansa ay patuloy na
dumaranas ng matinding krisis, mga pagkawasak at mga hamon. Ang mga pangako
para sa pagbabago ng kasalukuyang gubyerno ay tuluyang napako.
Ang grupo ay naniniwala na ang eleksyon
ay sagradong karapatan at ekspresyon ng pagkakaroon ng demokrasya sa
pamamagitan ng paglahok ng mamamayan sa prosesong electoral ay nawawalang
saysay dahil ang election 2013 ay pinakawalang linaw. Ilan sa mga kadahilanan
ay kawalan ng independent review ng source code, walang digital signature,
walang voters certification feature, pagkabalam ng transmission ng boto,
pagpapatatag ng dinastiya sa pulitikal, malawakang pamimili ng boto at mas
pinalala pa ang pribatisasyon ng election. Ito ay konsolidasyon ng rehimeng
Pnoy, katatagan at kawalang pagbabago sa “Daang Matuwid” tungong 2016.
Comments
Post a Comment