PANGANIB NA DULOT NG PAGBIBILAD NG PALAY AT MAIS SA LANSANGAN, HINDI ALINTANA - Dinalungan, Aurora
Panganib
ang maaring idulot sa mga dumadaang motorist dahil sa tila hindi
alintana ng mga nagbibilad ng Palay at Mais sa mga Pambansang lansangan
partikular sa Barangay Dinadiawan at Casiguran Road.
Madalas sa mga nagbibilad nito nilalagyan o hinaharangan ng malalaking bato at palapa na nakakasagabal sa transportasyon.
Sa inilabas na memoramdon ng DPWH inaatasan ang lahat ng District
Engineer sa Rehiyon 3 na ipagbawal ang pagbibilad ng palay at mais sa
mga pangunahing lansangan.
Snabi ni Secretary Singson na ang
“National highways are not palay solar dryers” kaya kaalinsabay nito
tinatawagan ang mga rice and corn traders na makiisa sa ordinansa, dapat
ding makikiisa ang mga LGU’s at PNP para sa mas lalong mapaigting ang
pagpapatupad ng direktibang ito.
Comments
Post a Comment