PNP OPERASYON BAKLAS - Baler, Aurora

Nagsasagawa ng operasyon baklas ang buong puwersa ng kapulisan sa Bayan ng Baler, Aurora maging ang ilang tumakbong kandidato para tanggalin ang lahat ng poster na kanilang idinikit/ikanabit ng nitong karaang kampanyahan.

Ito ay matapos himukin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pambansa at lokal na kandidato na simulan na ang paglilinis sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga sariling campaign materials dahil tapos na ang botohan.

Sinabi ng poll official na isang magandang paraan din ito upang maipakita ng mga kandidato na tunay silang nagmamalasakit sa kapakanan ng publiko.
Maari umanong i-recycle ang campaign materials tulad ng mga tarpaulin.

Comments