Patay
ang isang sakay ng Van habang labing tatlo ang sugatan matapos mawalan ng
control at magpagulong gulong ang sinasakyan ng mga ito, sa Barangay
Caragsacan, Dingalan, Aurora kamakailan.
Ang mga biktima ay Pawang mga residente ng Palayan City, Nueva Ecija.
Binabagtas
umano ng XLT Van ang kahabaan ng Caragsacan road nang bigla itong mawalan ng
preno, hindi na nakontrol ng driver, at bumaliktad na ang sasakyan.
Umabot
umano ng mahigit isa at kalahating oras bago nakaresponde ang mga otoridad.
Nanggaling pa sa Palayan City, Nueva Ecija ang
sasakyang pinagsakyan ng mga biktima ang nagdala sa ospital ng Cabanatuan City.
Comments
Post a Comment