4 NA SUSPEK SA PAGNANAKAW, SINAMPAHAN NG KASONG ROBBERY - Dipaculao, Aurora

Pormal nang sinampahan ng kasong Robbery, ang 4 na suspek sa pagnanakaw sa Bayan ng Dipaculao, Aurora, at inilipat na ang mga ito sa Panlalawigang Piitan ng Aurora kahapon, Hunyo 17, 2013.

Matatandaang inarestado ang apat dahil sa kinasasangkutang kaso ng mga ito na pagnanakaw sa nasabing bayan.

Dakong ika-1:30 ng hapon noong Sabado, Hunyo 15, 2013, dinakip sina Bonifacio L. Unday Jr., 20 taong gulang, Residente ng Barangay Buenavista; Jessie Padua, nasa hustong edad, residente ng Barangay Laboy; Bryan John De Asis y Degala, 21 taong gulang; at Roy De Asis y Cabanes, 43 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Bayabas, Dipaculao, Aurora.

Narekober sa mga ito ang isang unit ng ACER Laptop computer, at isang unit ng 32 inches Sony LCD Flat Screen Television na pagmamay-ari umano ni Yousuf Vallejo y Dela Leña, 61 taong gulang, businessman, residente ng Barangay Puangi, Dipaculao, Aurora.

Narecover din sa mga ito ang isang (1) Pistol Caliber 45 at isang magazine na puno ng bala. (Arnel M. Turzar)

Comments