ARESTADO ANG 36 NA ANYOS SA KASO NITONG PAGLABAG SA R.A 7610 - Maria Aurora, Aurora

Arestado ang isang 36 na taong gulang na lalaki dahil sa kaso nitong paglabag sa Section 10 (a) ng R.A 7610.

Base sa report ng Maria Aurora PNP, sa pangunguna ni SPO1 Angel German, sa gabay ni OIC PSINSP Victor Basil B. Morales, dakong ika-5:00 ng hapon nitong Miyerkoles, Hunyo 12, 2013, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Armando A. Yanga ng RTC Brach 66, dinakip ng mga element ng PNP ang suspek sa umanoy panghahalay sa isang batang babae noong taong 2011, ang suspek ay kinilalang si Russel Galam y Leal, binata , residente ng Barangay 04, Maria Aurora, Aurora.

Si Galam ay nahaharap umano sa kasong paglabag sa R.A 7610, ang bail ay aabot sa Php 80,000.00, ito ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin sa Bayan ng Baler. (Arnel M. Turzar)

Comments