ARESTADO ANG 4 NA KALALAKIHAN SA KASO NITONG PAGNANAKAW - Dipaculao, Aurora

Arestado ang apat na kalalakihan dahil sa kinasasangkutang kaso ng mga ito na pagnanakaw sa Bayan ng Dipaculao, Aurora.

Dakong ika-1:30 ng hapon nitong Sabado, Hunyo 15, 2013, dinakip ang apat na suspek na kinilalang sina Bonifacio L. Unday Jr., 20 taong gulang, Residente ng Barangay Buenavista; Jessie Padua, nasa hustong edad, residente ng Barangay Laboy; Bryan John De Asis y Degala, 21 taong gulang; at Roy De Asis y Cabanes, 43 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Bayabas, Dipaculao, Aurora.

Ayon sa Dipaculao PNP, nakatanggap umano sila ng impormasyon na nakita ang mga suspek sa kanikanilang tahanan, agad naman nagsagawa ng operasyon ang kapulisan sa pangunguna ni SPO4 Julito V. Tangson-MESPO, para hulihin ang mga ito. Sila umano ang suspek sa pagnanakaw noong nakaraang Mayo 29, 2013 sa isang negosyante.

Narekober sa mga ito ang isang unit ng ACER Laptop computer, at isang unit ng 32 inches Sony LCD Flat Screen Television na pagmamay-ari umano ni Yousuf Vallejo y Dela Leña, 61 taong gulang, businessman, residente ng Barangay Puangi, Dipaculao, Aurora.

Narecover din sa mga ito ang isang (1) Pistol Caliber 45 at isang magazine na puno ng bala.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kostodiya ng Dipaculao PNP Station para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pangunguna naman ni SPO1 Huvert A. Abordo, (Arnel M. Turzar)

Comments