BABAE NATAGPUANG LULUTANG-LUTANG SA IRIGASYON - Baler, Aurora

Natagpuang lulutang-lutang ang bangakay ng isang babae sa irigasyon sa Sitio Yanig, Barangay Suklayin Baler, Aurora.

Ayon sa Baler PNP, alas-5:30 ng hapon noong Biyernes, Hunyo 14, 2013 nang matagpuan ng kanyang ama ang biktimang si Olivia Dela Cruz, 25 taong gulang, sa gitna ng palayan sa nasabing lugar.

Ayon sa mga magulang nito, ika-26 pa ng Mayo 2013 nang huling lumabas ng kanilang tahanan ang anak.

Napag-alam din sa mga ito, na ang dalaga ay mayroong sakit na epilepsy, subalit hindi pa matukoy kung ito ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Patuloy pang iniimbistigahan ng PNP Crime Laboratory ang naturang insidente para malaman ang tunay na ikinamatay ng biktima. (George Balbero)

Comments