BARADONG KANAL SAGABAL SA MGA KUMYUTER - Maria Aurora, Aurora

Patuloy na nananawagan ang mga apektadong mamamayan sa tuwing umaapaw ang tubig kapag bumubuhos  ang malakas na ulan sa bahagi ng Poblacion Maria, Aurora Aurora  partikular sa Faro at JP Rizal Street, Barangay 04. at Barangay 03. na hanggang ngayon ay suliranin ng mga residente sa lugar dahil sa mga baradong  kanal.

Napakalaki umano itong suliranin sa mga komyuter  at mag-aaral. ang kalagayan ng nasabing lansangan. Kaya nananawagan sila na bigyan pansin at aksyon ng kinauukulan upang sa mga darating na mga buwan lalo pa sa pagbuhos ng malakas na ulan ay hindi maging sagabal at abala ang mga lansangan. (Remidio BItong)

Comments