ILLEGAL NA GASONILAHAN, NIREREKLAMO - Dipaculao, Aurora

Patuloy na inirereklamo ang mga nagbebenta ng bote-boteng gasolina sa lalawigan ng Aurora partikular sa Bayan ng Dipaculao, sa kabila na mayroon nang mga istasyon ng gasolina na kompleto ng permit na nagbibigay ng magandang serbisyo at hindi ikakasira ng ilang motorsiklo.

Ayon sa mga concern citizen, illegal na nga ang mga ito, sinasamahan pa umano ng panloloko at pamemeke. Bagamat nakakatulong din umano ito lalo na sa ilang mga motorista.

Kaya panawagan ng ilan, bantayan at ipatigil ang pagbebenta ng mga bote boteng gasolina sa lahat ng panig ng lalawigan. (George Balbero)

Comments