LALAKI BINARIL SA LIKOD - Maria Aurora, Aurora

Ligtasa na sa kamatayan ang isang tricycle driver na binaril sa ugnayang lansangan ng Barangay Bagtu at Ditailen, Maria Aurora, Aurora kamakailan.

Ang biktima ay kinilalang si Loid Gonzales y Santiago, 31 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Ramada, Maria Aurora, Aurora.

Ayon sa Maria Aurora PNP, dakong alas-siyete imedya ng gabi noong Mayo 24 naganap ang pamamaril. 

Binabagtas umano ng biktia ang kahabaan ng lansangan mula sa Barangay Bagtu patungo sa Barangay Ditailen sakay ng kanyang tricycle. Sa madilim na bahagi ng lugar binaril ang biktima ng hindi pa nakilalang mga salarin sakay ng isang motorsiklo.

Nagtamo ng tama ng bala ang bitima sa likurang bahagi ng katawan at tumagos ito sa dibdib.
Agad namang nakahingi ng tulong ang biktima at agad itong naidala sa pagamutan.

Patuloy parin ang isinasagawang imbistigasyon ng mga kapulisan ng Maria Aurora para makilala ang salarin at malaman ang motibo ng pamamaril kay Gonzales. (Arnel M. Turzar/Guiller Necesito)

Comments